PAOLO CONTIS WALANG PAMBILI NG GATAS SA ANAK NI YEN SANTOS – LOLIT SOLIS

TODONG tanggi si Paolo Contis sa akusang buntis ang bago niyang girlfriend na si Yen Santos. Obserbasyon kasi ng talent manager na si Ogie Diaz, payat si Yen at nagmukhang malaki ang tiyan dahil nilipad ng hangin ang suot nitong loose blouse, batay sa kumalat na larawan ng dalawa habang nasa Boracay. Payo naman ni Ogie, ibalato na lamang kina Yen at Paolo ang pagdetalye tungkol sa panibagong kontrobersya.

Hindi ito ang unang pagkakataong magkasamang nagbakasyon ang dalawa. Nauna ang kanilang Baguio getaway “as a friend” na nasundan pa sa Pangasinan. Sabi naman ni Paolo, wala na siyang pakialam sa mga “malilinis” na manghuhusga, kahit pa nang maging kontrobersyal din ang kanilang dinner date noong birthday ni Yen. Si Yen ang itinuturong dahilan sa paghihiwalay nina Paolo at LJ Reyes sa kabila ng pagkakaroon na ng anak ngunit itinanggi rin ito ni Paolo.

Sa ngayon, nakatutok si LJ sa kanyang mga anak at abala siya sa kanyang online business habang tumutulong din sa coffee shop ng kanyang ina sa New York.

Naging trending topic agad sa social media at ikinawindang ni Cristy Fermin ang payo ni Lolit Solis kay Yen na,,,,,’wag kang magpapabuntis kay Paolo. Walang pambili ng gatas iyan.”

ENRIQUE GIL DEDMA SA BUNTIS ISYU KAY LIZA SOBERANO

HUMUPA ang usapang buntis ang Kapamilya actress na si Liza Soberano, dahil agad itong pinabulaanan ni Ogie Diaz.

“Hindi ba bongga ang mga Marites? ‘Yung hindi namin naiisip, naiisip nila ‘yan. Hayaan po natin ano,” aniya. “Someday, dahil sila naman ni Enrique ay mukhang hindi na mapaghihiwalay. Darating din tayo diyan.”

Nag-celebrate ng 24th birthday si Liza last January 4. Kinilig ang marami sa mensahe ng Kapamilya actor at nobyo niyang si Enrique Gil, dahil  itinuturing niyang isang anghel si Liza. Si Liza raw ang pinakagandang biyayang ipinagkaloob sa kanya ng langit. Ultimo raw ang mga kapintasan at kabaliwan ng dalaga ay minahal niya, na na-post niya sa Instagram noong Tuesday. Kaya naman kilig to the bones ang “LizQuen” fans.

Meron post pa si Ken na “My one and only. Cheers to you my love. Happy birthday.”

Kasalukuyang nasa United States ang dalawa where they just celebrated the holidays with Liza’s family. Lumipad sila early December, matapos malaman ni Liza ang health condition ng kanyang great grandmother who raised her, dahilan kaya hindi sila nakasama sa ABS-CBN Christmas Special last year.