PAPASOK NA REFUGEES MULA SA AFGHANISTAN PINAIIMBESTIGAHANG MABUTI

NANINIWALA  si Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat higpitan ang proseso sa pagpapapasok ng mga refugee mula sa Afghanistan.

Sa gitna na rin ito, ayon kay Lorenzana ng mga pangambang mahaluan ng mga terorista ang mga papasok na refugee sa bansa.

Tiniyak ni Lorenzana ang pagbabanta sa galaw ng mga pumapasok na Afghan refugee, bagama’t wala aniyang poder ang Defense Department at ang militar sa pagpoproseso sa pagpasok ng mga ito sa bansa.

“Trabaho ‘yan ng pulis, dahil ‘di naman trabaho ng military ‘yan…pulis ang nagpa-process n’yan, kasama n’yan ang DFA at saka ‘yung immigration, so the DND is not involve with the reception of these refugees”

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na hindi magiging madali para sa Afghan refugees na makapag-ikot sa Pilipinas lalo’t mahigpit din ang mga ipinatutupad na patakaran kaugnay ng COVID-19.

“Ang gagawin niyan kumontak siguro sila ng local terrorist…it take time, at dahil kakaiba naman ang hitsura ng mga Afghanist, madali silang makita sa iba-ibang lugar. But you are right,it is a very concerning situation kung kasama ng mga refugees na may teroristang kasama,” ayon kay Lorenzana. DWIZ882

187 thoughts on “PAPASOK NA REFUGEES MULA SA AFGHANISTAN PINAIIMBESTIGAHANG MABUTI”

  1. 53097 452453I was just seeking this information for a while. After 6 hours of continuous Googleing, finally I got it in your site. 297931

Comments are closed.