MAYNILA – NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na aayusin niya ang mga papeles ng undocumented overseas Filipino workers sa Jordan.
Sa kanyang talumpati noong nasa Amman, Jordan, pinasalamatan niya si King Abdullah III sa pag-imbita sa kanya at pagiging mabait sa mga OFW.
Gayunman, alam niyang may mga Filipino na may problema sa dokumento kaya kanyang aayusin ang mga ito.
“Thank you to King Abdullah [II] for inviting me, for being kind to my people. I will try to find a solution itong sa mga undoc-umented Filipinos. I hope to work on it right away,” ayon kay Pangulong Duterte.
Inatasan naman ng Pangulo si Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano na ayusin ang mga papeles ng mga undocs Pinoy.
Batay sa International Labor Organization records noong 2016, nasa 300,000 Filipino workers ang nasa Jordan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.