ISINUSULONG ng Bureau of Customs (BOC) ang paperless system bilang pagsunod sa kautusan ng pamahalaan upang maiangat ang Customs procedures.
Ito ay batay sa world-class trade facilitation at sa pakikipagtulungan ng National Economic and development Authority (NEDA) at ng Investment Coordination Committee (ICC).
Nitong Marso 6 ay nakipagpulong ang mga tauhan ng NEDA at ICC sa BOC upang plantsahin ang Customs Modernization project, kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang BOC na kontrolin ang paperless efficient operation ng ahensiya.
Ang nasabing proyekto ay kasama sa ‘Build Build Build’ project ng administrasyong Duterte at bilang suporta sa 10-Point Priority Program ng BOC, sa ilalim ng organizational efficiency, upgrading individual proficiency at strengthening institutional capabilities through automation processes.
Layunin din ng proyekto na suportahan ang isinusulong na reporma at transparency sa BOC nang sa gayon ay mapabilis ang proseso ng entry at masugpo ang korupsiyon sa ahensiya. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.