PAPUTOK BUKING NA WALANG QUALITY AND SAFETY MARK

DTI Undersecretary Ruth Castelo 

BULACAN – KINUMPIRMA ng Department of Trade and Industry (DTI) na ilang pagawaan ng paputok sa lalawigang ito ang nadiskubre na hindi gumagamit ng PS Mark o quality and safety mark sa kanilang mga produkto.

Ayon kay DTI Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, malinaw na hindi compliant sa DTI standards ang Dragon Fireworks at Yangco Fireworks sa Sta. Maria, Bulacan matapos ang kanilang inspeksiyon.

Ayon naman kay Jovenson Ong, presidente ng Bulacan Pyrotechnics Regulatory Board and Philippine Fireworks Association, ang pagawaan ng Dragon Fireworks sa bayan ng  San Rafael ay umamin na expired ang kanilang DTI permit for product standard certification.

Kaugnay nito, wala pang natatanggap na kopya ng report ng inspection ang DTI office sa Bulacan at regional office ng naturang ahensya.

Nilinaw naman ni Warren Serrano, information officer ng DTI-Central Luzon, na ang pagbebenta ng firecrackers na walang DTI standards ay malinaw na paglabag sa Republic Act 7394. THONY ARCENAL

Comments are closed.