INIHAYAG ni Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas president Orlando Marquez na hindi siya 100 porsiyentong sang-ayon sa pagsuspinde sa excise tax sa langis.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Marquez na ito ay dapat na unti-untiin.
“Alam mo ako ay hindi naman sang-ayon na 100% na isuspinde kundi unti-untiin naman sana dahil unti-unti naman tayong pinapatay sa presyo ng langis, ‘di ba? Dapat ay halimbawa ‘yung mahigit na sampung piso na excise tax, e ‘di hatiin muna nila para ‘di naman ma-bankrupt ang gobyerno natin,” aniya.
Nanawagan naman si Marquez sa pangkalahatan ng public transport na basahin ang Memorandum Circular No. 2021-021.
“Dapat kasi itong mga requirements ng public utility vehicle modernization program, nire-review nila at nagkakaroon sana ng usapan ng malalim ito dahil ito po ay una may pondo, dapat ma-rationalize, gusto namin itong rationalization at ito po hindi kami tumututol sa public utility vehicle modernization program dahil ito ay delivery ng magandang sasakyan sa ating mga pasahero, safety na sasakyan sa ating mga pasahero at convenienteng sasakyan sa ating mga pasahero at dapat affordable.” DWIZ 882