HINILING ni Albay Rep. Joey Salceda na palawigin pa ang ‘out-of-hospital care capacity” bunsod pa rin ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Salceda, sa patuloy na pagbabantay ng kanyang team sa sitwasyon ng daily COVID-19 cases, hindi malayong humantong sa 10,000 ang kaso ng mga maiimpeksiyon ng sakit sa mga susunod na araw.
Pinagbatayan, aniya, nila dito ang kawalan ng palatandaan ng pagbagal ng ‘infectivity rate’ o bilis ng paghawa ng sakit kaya naman hindi rin maiiwasan ang pagkapuno ng mga COVID center.
Inirekomenda ni Salceda na palawigin pa ang ‘out-of-hospital care capacity’ upang maiwasan ang pagkaparalisa ng ekonomiya.
Sa tala, ang bilang ng mild cases ay nananatili pa rin sa 97.5%, ibig sabihin, karamihan ng COVID-19 cases ay maaaring gamutin sa bahay.
Hiniling ng kongresista na mag-hire ng mas maraming barangay health care workers para mapaigting pa ang pag-monitor sa local cases at makapagbigay ng assistance sa mga nagkakasakit sa kanilang barangay.
Umapela rin si Salceda sa national government na kumuha ng telemedicine facilities para palawigin ang remote care capacity. CONDE BATAC
Comments are closed.