(Para ‘di sumablay sa new normal at ‘kinakalawang’ na pulis kikinisin) RULES OF ENGAGEMENT NG PNP IA-UPGRADE

Cascolan

CAMP CRAME- ISUSULONG ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang pagrepaso at  pag-upgrade ng rules of engagement ng orga­nisasyon.

Sinabi ni Cascolan na layunin nito na makasabay ang pulisya sa new normal at kung paano kahaharapin ang mga sitwasyon nga­yon partikular ang mga nasa operasyon.

Ang rules of engagement ng PNP ay ang kanilang pamamaraan ng pagpapatupad ng batas para mapigilan ang krimen, mapanatili ang katahimikan at kaayusan gayundin ang pagtiyak sa kaligtasan ng publiko maging ang internal security kaakibat ang suporta ng komunidad.

Gayunman dahil umiiral na ang new normal na resulta ng banta ng COVID-19, pawang naka-face mask na ang mga tao kaya mahirap maidentify ang mga gumawa ng krimen.

Sinabi ni Cascolan na napapanahon ang upgrading ng rules of engagement o operational procedures ng pulisya habang iginiit na maaari pa ring gamitin sa new normal ang kanyang binalangkas na Enhanced Managing Police Operations (E-MPO),  ang police guide book.

Ginawa ni Cascolan ang pahayag makaraan ang una niyang plano magsagawa ng refresher course o discipline workshop para sa ilang mga pulis na mistulang kinalawang dahil sa halos apat na buwang pagbaban­tay sa quarantine checkpoint para pigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Magugunitang iginiit  din ni Cascolan ang refresher course at discipline workshop makaraang masangkot ang siyam na pulis sa Sulu sa malagim na pamamaril kung saan apat na sundalo, kabilang ang dalawang intelligence officer at dalawang enlisted personnel ng Philippine Army ang napaslang.

Sa nasabing discipline workshop ay isasama na rin ng PNP’s No. 2 man ang internal cleansing at pagtalakay sa isinusulong na PNP Camp Development Plan.

Panahon na aniya para muling repasuhin at i-upgrade ang rules of engagement at iba pang police procedures para magamit ang mga ito ng pulisya sa new normal at maiwasan ang pagsablay sa pagpapatupad ng batas. EUNICE C.

6 thoughts on “(Para ‘di sumablay sa new normal at ‘kinakalawang’ na pulis kikinisin) RULES OF ENGAGEMENT NG PNP IA-UPGRADE”

  1. 466015 57711youre in point of fact a very good webmaster. The internet site loading velocity is amazing. It seems that you are doing any distinctive trick. In addition, The contents are masterpiece. youve done a great activity on this topic! 622829

  2. 94679 968157I must test with you here. Which is not one thing I normally do! I enjoy studying a submit that will make individuals think. Also, thanks for allowing me to comment! 467318

Comments are closed.