PARA GAMES AARANGKADA NA

paralympics

HANDA na ang lahat ng 12 miyembro ng Philippine contingent para sa opening ceremonies ng 2020 World Paralympic Games ngayong Martes sa Japan National Stadium.

Mula sa kanilang quarantine facility sa Conrad Hotel, ang PH delegation ay umalis Linggo ng umaga at dumating sa Haneda International Airport sa Tokyo bago magtanghali.

Inihatid sila ng shuttle sa Paralympic Athletes Village kung saan ang bawat delegado ay may kanya-kanyang quarters sa trip na sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang delegasyon ay pinangungunahan ni Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo, kasama sina para athletes Ernie Gawilan at Gary Bejino ng swimming, discus thrower Jeanette Aceveda, wheelchair racer Jerrold Mangliwan at powerlifter Achelle Guion.

Si taekwondo  jin Allain Ganapin at ang kanyang coach na si Dindo Simpao ay nakatakdang umalis patungong Tokyo sa Aug. 29.

Beterano ng 2016 Rio Paralympic Games, si Mangliwan ang magiging flag-bearer ng bansa sa audience-free inaugural rites na magsisimula sa alas-7 ng gabi  (8 p.m. sa Manila) sa  80,000-seat arena na tinatampukan ng  pinakamahuhusay na para-athletes mula sa 163 bansa.

“While the formal opening will begin at 7 p.m.the participants will be starting to move from the Athletes Village to the stadium,” wika ni national team chef de mission Francis Diaz.

Ayon kay PPC secretary-general Walter Torres, ang mga miyembro ng delegasyon ay magsusuot ng traditional Barong Tagalog na dinisenyo ng Bordadao ni Apolonia, isang pamilya ng mga kilalang artisan embroiderers mula sa Taal, Batangas.

“The embroidery on the Barong is fully hand-made and a labor of love,” sabi ni Torres.

“The ‘Disenyong Bigkis’ portrays the unity and nationalism of every Filipino.

“Embroidered on the right of the Barong are the words ‘Mahal Kita and on the left ‘Pilipinas’ written in the early form of the Filipino alphabet,” aniya, at idinagdag na ang bawat kalahok ay magsusuot din ng salakot at hand-embroidered face mask na gawa sa pinya na may araw at mga bituin ng  Philippine flag.

Ang parade uniform, gayundin ang iba pang logistical requirements ng Paralympics delegation, ay ipinagkaloob ng PSC.

Ayon kay Diaz, nagpulong ang CDMs noong Lunes kung saan tinalakay nila ang mga isyu na kinaharap ng mga kalahok sa Para Games.

“There are athletes who don’t follow protocols, walang mask, mga pasaway, which are flagged by the Japanese volunteers at the village,” sabi ni Diaz, na ipinagmalaki ang pagsunod ng PH contingent members sa health and safety measures ng mga organizer.

“All of our team members are loving it: the atmosphere is really magnificent and the food great,” pahayag ni Diaz, dean ng UP-Diliman College of Human Kinetics.

Idinagdag niya na apat na atleta sa Tokyo ang nakatanggap na ng kanilang gift packages mula sa  Tokyo hosts at World Para Games sponsor Samsung, na kinabibilangan ng isang  brand-new Samsung Galaxy S21 custom-made para sa Paralympic Games.

“Everybody is in high spirits and our athletes are looking forward to competing in their respective events,” aniya.

158 thoughts on “PARA GAMES AARANGKADA NA”

  1. 649329 444473It was any exhilaration discovering your web site yesterday. I arrived here nowadays hunting new issues. I was not necessarily frustrated. Your suggestions following new approaches on this thing have been beneficial plus an superb assistance to personally. We appreciate you leaving out time to write out these items and then for revealing your thoughts. 458638

Comments are closed.