IBINAWAL ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga susundo at maghahatid ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA ) na makihalubilo sa maraming tao upang makaiwas sa novel coronavirus (nCoV).
Nakikiusap din si MIAA General Manager Ed Monreal sa airline passengers na huwag isama ang mga taong madaling kapitan ng sakit o kaya ang mga vulnerable people para hindi makasagap ng sakit na ito.
Ang babalang ito ay bilang pagsuporta sa inter-agency effort upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Sinabi pa ni Monreal na mas makabubuti sa mga grupo na maghahatid ng pasahero sa airport na manahimik sa kanilang mga tahanan para maiwasang makasagap ng sakit.
Sa kasalukuyan ay nililimitahan ng MIAA ang issuance ng access pass sa mga nagnanais sumalubong at maghatid sa airport bilang precautionary measures ng pamahalaan.
Ngunit lininaw ni Monreal na hindi kasama sa limitasyon ang mga VIP dahil ito ay naaayon sa government international commitments.
Ipinasuspinde rin ng MIAA ang familiarization tours, movie/ filming at iba pang aktibidad sa airport.
Ipinagbabawal din ang deployment ng student on the job trainees sa loob at labas ng paliparan. FROI MORALLOS
Comments are closed.