(Para hindi na umalis ng bansa) SAHOD NG NARS SA ABROAD TATAPATAN

Nurse

DAHIL hindi naman maaaring pagilan ng pamahalaan ang mga Pinoy nurse na magtrabaho sa ibang bansa, dapat ay tapatan na lamang ang alok na sahod sa mga ito ng dayuhang bansa.

Ito ang tahasang sinabi ni House Committee on Health Vice Chairman  at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, na nagpahayag din ng pagkabahala sa posibilidad ng kakulangan sa local nurses kapag humupa na ang COVID-19 pandemic.

“We foresee wealthy nations around the world rushing to expand the capacities of their public health systems and stepping up their recruitment of Philippine-educated nurses once the COVID-19 pandemic is suppressed,” sabi pa ng mambabatas, na chairman din ng House Committee on Public Accounts.

Giit ni Defensor, ang ‘right to travel’ ng bawat mamamayan ay ginagarantiyahan sa ilalim  ng Saligang Batas at ang mga Filipino professional ay malayang dalhin saan mang lugar, na sa tingin nila ay labis na masusuklian ang kanilang kaalaman at kasanayan.

Kaya naman naniniwala ang kongresista na hindi magagawang awatin ng gobyerno ang mga nars na mag-abroad kung saan mas malaki ang kanilang susuwelduhin.

Bunsod nito, sinabi ni Defensor na maaaring isulong ng Kongreso na gawing halos doble ang kasalukuyang basic monthly pay ng government nurses at ipag-utos na katulad din nito ang maging monthly rate ng mga nasa pribadong health institutions.

“The initial figure we are looking at is P60,000 monthly, which is more or less the same starting pay being offered by the Kingdom of Saudi Arabia to Filipino nurses, without counting fringe benefits,” ayon pa sa kongresista.

“If we can’t stop our nurses from going to North America or Europe, perhaps we can dissuade at least those aspiring to work in the Middle East,” dagdag niya. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.