ISABELA – PINANGUNAHAN ng 95th Infantry Battalion ang 98 kabataang katutubong Aeta na lumahok sa kauna-unahang Indigenous People Youth Leadership Summit (YLS) katuwang ang 502nd Infantry Brigade ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sa tatlong araw na aktibidad.
Ayon kay Lt. Colonel Gladiuz Calilan, commanding officer ng 95th IB na layunin nito na mabigyan ng gabay at maituro sa tamang impormasyon at direksyon ang mga kabataang katutubo sa bayan ng San Mariano, Isabela.
Ang 1st IP’s Youth Leadership Summit ay ibinabahagi ng kasundaluhan malaman ang kahalagahan ng mga kabataang katutubo sa pagsugpo ng insurhensiya at kung papaano umano sila maging isang productive citizen sa kanilang lugar.
Layunin din ng summit na maimulat ang mga kabataang katutubo kontra insurhensiya dahil sila ang pangunahing target ng recruitment ng New People’s Army (NPA).
Aniya, una pa lamang ito sa mga serye na gagawin ng YLS sa mga katutubo sa lalawigan ng Isabela, katuwang ang National Commission on Indigenous Peoples, (NCIP) Philippine National Police (PNP) at Local Government Unit (LGU). IRENE GONZALES