(Para imbestigahan ang crash landing nina Gamboa at 7 iba) SPECIAL INVESTIGATION TASK FORCE BELL 429 BINUO

Archie Gamboa4

CAMP CRAME – BUMUO ng isang Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagbasak ng kanilang sinakyang 8-seater na chopper kahapon ng umaga sa San Pedro, Laguna.

Si PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa at pitong iba pang opisyal at crew ang sakay ng Bell 429 helicopter nang bumagsak ito matapos na sumabit umano sa live wire habang pa-take off.

Sa isang statement, sinabi ni Acting PNP Spokesperson at Director for Police Community Relations PMGen. Benigno Durana Jr. na ang pagbuo ay alinsunod sa verbal instruction ni PNP Deputy Chief for Administration, PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP at mistah ni Gamboa sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986.

Inatasan na mamuno sa SITG si The Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Guillermo Eleazar.

Habang ang assistant SITG commander naman ay ang hepe ng Directorate for Investigation and Detection management (DPRM).

Kabilang sa mga miyembro ng SITG ang Executive Officer ng Directorate for Operations; ang hepe ng Directorate for Intelligence; hepe ng Directorate for Police Community Relations; Director ng Special Action Force; Deputy Director for Operations ng Aviation Security Group; Deputy Director for Operations ng Criminal Investigation and detection group; at deputy Regional Director for Operations ng PRO-4A. R. SARMIENTO/V. RUIZ

Comments are closed.