(Para itaas ang morale ng pulisya) RENEWAL OF MARRIAGE VOWS, BAPTISMAL SA SPD

marriage renewal

TAGUIG CITY – NAGING makasaysayan ang okasyon sa Southern Police District (SPD) noong Hun­yo 14, 2019 kung saan pinangunahan ni PBGen. Eliseo DC Cruz, SPD district director, ang pagbibinyag sa mga anak ng pulis gayundin ang renewal of marriage vows ng ilang alagad ng batas katuwang ang PNP’s Officers’ Ladies Club.

Ayon kay Cruz na nagkataong kaarawan din noon, tatlong magkapareha ang sumailalim sa renewal of marriage vows habang nagtagu­yod din ng baptismal alas-8:30 ng umaga sa SPD San Lorenzo Ruiz Chapel.

Ang nasabing okas­yon ay isa sa aktibidad na inisyatibo ni Cruz katuwang ang OLC na pinangungunahan naman ni Mrs. Cherrylyn “Ate Cherry” Albayalde, ang kabiyak ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, na dumalo rin sa nasabing okasyon.

Sinasabing sa halip na tumanggap ng regalo dahil kanyang kaarawan, ang proyekto ay  handog ni Cruz sa kapwa pulis.

Layunin din ng renewal of marriage of vows at baptismal ay itaas ang morale ng mga pulis upang maging maayos ang paglilingkod ng mga ito.

Maituturing din ang proyekto bilang panatilihin ang disiplina at paglilinis sa hanay ng mga pulis upang tumaas ang lebel ng publiko sa kanila.

Paglilinaw naman ni Cruz na ang aktibidad ay isa lamang sa kanilang proyekto para sa uplifting ng morale ng kanyang mga tauhan dahil marami pa aniyang aasa­hang programa silang gagawin at inuna lamang ang pagpapataas na personalidad ng kanilang mga tauhan.

“This activity is one of the many initiated projects, plans and programs of SPD and OLC for the benefit of PNP members and their families, apart from the construction, renovation, repair and refurbishment of PNP buildings/infirmaries, churches  and improvements of its facilities through the assistance  and help of PNP OLC,”ayon sa statement ng SPD. EUNICE C.