(Para iwas dengue, leptos) DECLOGGING OPERATIONS

PINALILINIS na Marikina City Government ang daluyan ng mga tubig para maibsan ang pagtaas ng tubig baha at mapuksa ang Dengue at iba’t ibang klaseng sakit sa nasabing lungsod.

Naniniwala ang pamunuan ng Marikina City na napapanahon ito lalo at may inaasahan sama ng panahon kung saan ay tuloy-tuloy ang mga kawani ng Marikina LGU sa pagmimintina at pagsasaayos ng mga daluyan ng tubig sa kanilang lugar.

Kasunod ito ng utos ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na panatilihing ligtas at panatag ang mga taga-Marikina sa banta ng pagbaha at mga sakit tulad ng dengue at leptospirosis.

Paliwanag ni Teodoro, regular na gagawin ang declogging operations, hindi man maibsan ay tuluyang mawala pagbabaha sa lungsod.

Dagdag pa ng alkalde sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na daloy ng tubig ay naiiwasan itong pamugaran ng lamok na maaaring maging sanhi ng Dengue.

Habang ang malinis na kanal naman ay nagtataboy sa mga daga na nagiging sanhi ng sakit na leptospirosis.

Samantala, sa drainage declogging gumagamit ang LGU ng angkop na proseso at kagamitan tulad ng Vacuum Truck at Manual Rodding upang epektibong matanggal ang mga bara sa tubig.

Gagawin ito hindi lang sa mga Barangay sa mababang lugar kundi sa lahat ng Barangay sa lungsod ng Marikina. ELMA MORALES