PARA iwas krimen, pinailawan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang buong kahabaan ng Espana Boulevard bukod pa sa ilalagay na closed circuit television (CCTV) cameras at connectivity ang nasabing lugar.
“Wala nang hanapbuhay ang mga tolongges sa Espana. ..maliwanag na,” pahayag ni Moreno.
Kasabay nito, inilunsad ni Moreno, kasama si Vice Mayor Honey Lacuna, ang planong pagtatayo ng ‘wifi city’ sa 34 lugar na magsisimula sa Espana patungong Welcome Rotunda.
Ang proyekto na tinawag na ‘MLAKonek ay magkakaloob ng WiFi connection sa may 100 devices sa nasabing lugar.
Ayon kay Moreno, ito ay libre para sa lahat ng gustong gumamit at gustong makakuha ng impormasyon online o makipagkumustahan sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay online.
Ayon pa sa alkalde, mayroong free connectivity na may 30mb download speed at 50mb upload para sa mga users.
“Maliwanag na, may CCTV na, may wifi na. Next, katakot-takot na camera ang ilalagay diyan. Kaya sigurado, sisikat kayo. Wala kayong puwang sa Maynila,” pahayag pa ni Moreno. VERLIN RUIZ
Comments are closed.