CAMP CRAME -BANTAD sa init ng araw habang suot pa ang kanilang uniporme.
Ito ang kalbaryo na kinakaharap ngayon ng mga pulis na nagsisilbi ring frontliner kontra COVID-19.
Ayon kay PNP Spokesman Police B/Gen. Bernard Banac, maliban sa virus, isa sa mga hamon na kinakaharap ngayon ng PNP ang sobrang init ng panahon.
Kaya naman ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa sa lahat ng mga unit commanders ang pagsasagawa ng regular rotation ng police frontliners upang mabigyan ng sapat na pahinga ang mga babad sa init ng araw.
Kadalasan, kada 2 oras ang palitan sa checkpoint ng mga pulis na naka-duty pero pwede itong gawing kada 1 oras lalo na kung tirik na ang araw.
Nagpaalala naman si Banac sa mga pulis ng palaging uminom ng tubig upang laging hydrated; at maglagay ng sapat na tents sa mga Quaran-tine Control Points.
Patuloy naman ang monitoring ng PNP health service sa kalusugan ng mga pulis laban sa Covid19 at sa init ng panahon. REA SARMIENTO
Comments are closed.