(Para kunin ang med supplies at stranded Filipino) 2 BARKO NG NAVY NASA INDIA NA

Navy

NAKARATING na sa Cochin, India ang dalawang barko ng Philippine Navy para iuwi sa bansa ang mga donasyong facemasks at mga stranded na Filipino sa India.

Ang dalawang barkong ito ay ang BRP Davao Del Sur (LD602) at BRP Ramon Alcaraz (PS16), na dumating sa nasabing lugar mula  sa Oman.

Inaasahang  maglalayag sila pabalik ng Filipinas matapos maikarga ang mga facemasks na donasyon ng Filipinong si Mr. Paul Dante ng LegalZoc Co., na binili sa India ng may koordinasyon sa Office of Civil Defense.

Ang 59 na kahon na naglalaman ng inisyal na 200,000 mula sa 1,000,000 pirasong donated face masks ang ikinarga sa BRP Davao del Sur.

Isasakay rin pauwi sa Filipinas ang 20 Flipinong turista  na istranded  sa India nang kanselahin ang mga international flightsl dahil sa banta ng COVID- 19 pandemic.

Ang lahat ng mga ito ay may medical certificates na ligtas sila sa coronavirus infection pero isasailalim pa rin sila sa isolation sa loob ng barko at 24-oras  na oobserbahan ng  onboard medical team.

Inaasahang darating sa bansa ang dalawang barko sa loob din ng buwang ito. REA SARMIENTO

6 thoughts on “(Para kunin ang med supplies at stranded Filipino) 2 BARKO NG NAVY NASA INDIA NA”

  1. 363327 7926Its like you read my mind! You appear to know a whole lot about this, like you wrote the book in it or something. I feel that you could do with several pics to drive the message home a bit, but other than that, this really is fantastic weblog. A great read. Ill undoubtedly be back. 561768

  2. 950368 564097There couple of fascinating points at some point in this posting but I dont determine if these people center to heart. There is some validity but Let me take hold opinion until I check into it further. Fantastic write-up , thanks and then we want more! Combined with FeedBurner in addition 298385

Comments are closed.