(Para mabilis ang contact tracing sakaling dapuan ng COVID-19) MGA PULIS PINAGDA-DIARY NI GAMBOA

pulis

CAMP CRAME-IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa sa kanyang mahigit 200,000 tauhan na gumawa ng diary o i-chronicle ng mga nakakasalamuha araw-araw.

Paliwanag ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Administration, na ang direktiba ni Gamboa ay upang maging mabilis ang contact tracing sakaling tamaan ng coronavirus disease (COVID-19) ang isang pulis.

Sakali aniyang matukoy agad kung sino ang nakasalamuha ng isang pulis na biktima ng nasabing virus ay madali nang mapipigilan ang pagkakahawa-hawa nito.

Para naman kay Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration, magiging epektibo ang pagko-chronicle ng mga pulis sa kanilang mga ginagawa at kinakausap araw-araw.

Una nang iniulat ni PNP Spokesman, BGen. Bernard Banac na nasa 660 na ang mga pulis na apektado ng COVID-19 na kinabibilangan ng 615 pulis ang person under monitoring (PUM) at 645 ang person under investigation.

Sa ngayon ay naghigpit na sa Camp Crame para sa mga bumibisita at nagtayo na ng decontamination tent sa pedestrian entrance habang isa-sailalim sa disinfection step ang mga sasakyang papasok gaya ng pag-spray sa mga gulong nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.