(Para mabuksan ang Skyway Stage 3 sa Hulyo) SMC PUSPUSAN ANG TRABAHO

skyway stage 3

PUSPUSAN ang trabaho ng San Miguel Corporation (SMC) upang masiguro na mabubuksan ang Skyway Stage 3 sa Hulyo ngayong taon sa kabila ng pagtaya ng mga contractor na walong buwan para mu­ling maitayo ang bahagi ng road project na bumagsak dahil sa sunog sa kalapit na warehouse sa Pandacan, Manila noong Sabado.

“We are saddened by this unfortunate incident mainly because it will delay a vital infrastructure project that would have alleviated traffic woes of our motorists sooner. But rest assured, we will work 24/7 to endeavor to complete the entire project in five months. This is just a 3-month delay from the original opening target,” wika ni SMC president and COO Ramon S. Ang.

Inaasahan ng mga motorista ang pagbubukas ng kalsada sa Abril 1.

Ang Skyway Stage 3 ay isang 14.82 km, 6-lane elevated expressway na magdudugtong sa South Luzon Expressway (SLEX) mula Alabang at North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, ­Quezon City upang mapaluwag at maibsan ang trapiko sa main thoroughfares tulad ng EDSA, C5, at Central Metro Manila.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng SMC, lumitaw na ang sunog ay isang freak accident na maaaring nagmula sa DMCI construction yard na kalaunan ay kumalat sa kalapit na plastics warehouse, na noong mga oras na iyon ay nire-relocate mula sa Pandacan.

“The relocation is part of the company’s efforts to clear its properties in Pandacan, in consideration of Skyway and future projects,” paliwanag pa ng kompanya.

“We continue to liaise with the concerned authorities to address all issues pertaining to the incident. It is fortunate that no one was harmed and we thank everybody who took the time to help fight the fire,”  sabi ni Ang.

Comments are closed.