TARLAC – DALAWANG kawani ng Philippine Consulae General sa Shanghai, China ang susi kung bakit naging matagumpay ang pag-rescue sa overseas Filipino workers (OFW) sa Wuhan, China.
Ayon sa isang OFW na naka-quarantine sa New Clark City sa Capas, malaki ang naitulong sa kanila nina Mark Anthony Geguera at Sanny Darren Bejarin mula sa konsulada na siyang nagproseso sa kanilang mga dokumento para kaagad na ma-repatriate.
Nais naman ni Dublar sa ngalan din ng kanyang mga kasamahan sa quarantine area napasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte, Department of Foreign Affairs, Department of Health at Philippine Consulate General sa Shanghai lalo na sa dalawang itinuturing nilang bayani na kasama rin nila ngayon sa quarantine area o Athlete’s Village.
Malaking bagay umano ito sa kanila dahil nakauwi sila ng ligtas at nalayo sa banta ng 2019 Coronavirus Disease sa tinaguriang ground zero.
Sina Geguera at Bejarin ay nagkalas loob na magtungo sa Wuhan para sunduin ang mga Pinoy. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.