NAGPASYA si Marikina Mayor Marcy Teodoro na bumili na lang ng dredging machine para makatipid at tuluyan ng masawata ang pagbaha sa lungsod ng Marikina.
Aniya, kaysa magbayad ng kontrata kasama dredging machine ay bumili na lang ang lokal na pamahalaan ng dredger na naging magandang tulong naman sa lungsod.
Sa ngayon, ang dini-dredge ay ang kahabaan ng 11 kilometers maintenance work na nasa boundary ng Marikina at Pasig.
May limang dredger na ang Marikina kaya napapanatili na ang downstream river.
“Pag umulan malakas doon sa taas kaya ang putik pababa dredge ka ulit kaya hindi na pwede by contract mauubos ang pera ng Marikina, kaya ang ginawa namin nag invest sa malalaking equipment saka nag train ng mga taong nakakaintinding mag dredge” ani Teodoro.
Kung matatandaan sa dalawang bagyong dumaan hindi na binaha ang lungsod ng Marikina.
Katuwang naman ang DENR para sa pagmimintina ng bamboo nursery at paglilinis ng mga estero.
Pagtitiyak ni Teodoro ay upang pawiin ang pangamba ng kanyang mga kababayan na pag umuulan na ay panatag na ang kanilang kalooban na hindi na muling babaha o tataas ang tubig baha dahil meron ng sariling Dredging Machine ang lungsod ng Marikina. ELMA MORALES