HUMINGI na ng tulong sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang grupo ng fish traders sa Navotas para mailabas o makuha ang kanilang mga panindang imported frozen fish products na may anim na buwan nang nakatengga sa storage sa Navotas Fish Port.
Kahapon ay humarap sa media ang grupo ng fish traders na kinabibilangan nina Richel Joy Amor, Jessie Narciso, Nerissa Buenaventura, Nenita Adalin, Ramon Ramos, Merlin Tumalad, Gary Veliganio, Nenita Adalin, Trinidad Narciso, Carl Princess, Liberty Gatchalian, Lorena Bauza, Jealin Santiago at Jacquelin Cantilang.
Ayon sa kanila, mula pa noong Oktubre 2020 hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin umano sila pinapayagan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na mailabas sa storage ang kanilang mga kalakal na iba’t ibang uri ng isda na mahigit kumulang sa 20 tonelada, gayong kumpleto naman umano sila ng mga dokumento.
Ilang ulit na umano silang dumulog sa BPLO upang payagang ilabas ang kanilang mga ‘fish stocks’ na nasa storage ng Navota Fish Port pero patuloy namang tumatanggi ang mga opisyal sa hindi malamang dahilan.
“We ask the BPLO if there are papers or documents they need to facilitate for the release of our stocks but all they can tell us is to wait. Whatever is it that we have to wait for, is however vague as they themselves cannot elaborate. Ang sinasabi lang nila ay ito raw ay alinsunod sa kautusan daw ni Mayor Tiangco,” ayon sa fish traders.
Dahil dito ay umaapela ang grupo sa alkalde na magpalabas na ito ng kautusan sa BPLO para makuha ang kanilang mga fish products at madala na sa merkado upang tugunan ang pangangailangan ng publiko na makabili ng murang halaga ng kanilang mailalatag sa hapag kainan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
153789 997430Come across back yard garden unusual periods of ones Are usually Weight reduction and every 1 1 may possibly be critical. One way state could possibly be substantial squandering by means of the diet. shed weight 609936
100876 637848It shows how you comprehend this subject. Added this page, is for far more. 4644