(Para maisalba ang ekonomiya) GOV’T SPENDING PALAKASIN

Bernadette Herrera

NAGKAKAISA ang mga mambabatas mula sa magkakaibang partisan bloc sa Kamara sa kanilang panawagan sa administrasyong Duterte na palakasin ang government spending sa layuning maisalba ang sadsad na ekonomiya ng bansa dulot ng nararansang pandemya.

Ayon kay Deputy Speaker at Bagong Henerasyon (BH) Partlylist Rep. Bernadette Herrera, naninindigan ang supermajority sa Lower House na ang panukalang Bayanihan 3, na popondohan ng P420 bilyon, ay naglalaman ng economic stimulus package na marapat maipasa at maipatupad agad dahil ang layunin nito ay ang palakasin ang ekonomiya.

“The government needs to ramp up spending to boost the coronavirus-battered economy. The government should be spending more, not less, to grow the economy, and this is precisely what the Bayanihan 3 is designed for,” giit ng ranking lady House official.

“The bill seeks to allocate P108 billion for additional social amelioration to impacted households; P100 billion for capacity-building for impacted sectors; P52 billion for wage subsidies; P70 billion for capacity-building for agricultural producers; P30 billion for internet allowances to teachers and students; P30 billion for assistance to displaced workers; P25 billion for COVID-19 treatment and vaccines; and P5 billion for the rehabilitation of areas affected by recent floods and typhoons,” paliwanag ni Herrera hinggil sa House Bill No. 8628 o ang “Bayanihan to Arise As One Act” (Bayanihan 3) kung saan lumagda siya bilang co-author.

Ikinalungkot naman ni House Deputy Minority Leader at Marikina City 2nd Dist. Rep. Stella Quimbo ang naitalang 1.3 percent GDP growth na government spending ng Filipinas noong nakaraang taon.

“We have spent so little relative to our ASEAN neighbors. Ito po ang percentage share ng COVID spending relative to 2019 GDP:  sa Malaysia, 18.7 percent; sa Thailand, 12.5 percent; sa Indonesia, 7.4 percent. Sa Filipinas, ang Bayanihan 1 and 2 spending ay umaabot lamang sa 2.7 percent ng 2019 GDP,” sabi ng lady lawmaker mula sa House minority bloc

“Kung kailan bagsak ang ekonomiya at inaasahan ang gobyerno na mag-pump priming, napakaliit ng growth in government spending,” dismayadong pahayag ni Quimbo, na isa sa principal authors ng HB 8628, kaya naman nakikiisa siya sa panawagang magsagawa ng ‘Spend, Spend, Spend’ ang gobyerno, kasama na rito ang pagpapatupad ng mungkahi niyang Bayanihan 3 Law. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.