(Para makaagapay sa pandemya) ‘NEW NORMAL’ LOANS SA FARMERS

farmers

ISINUSULONG ni Senadora Imee Marcos na mas maraming pautang ang maaprubahan para sa mga magsasaka, mangingisda at mga benepisyaryo ng repormang pang-agraryo kung tataasan ang penalty sa mga bangkong ayaw sumunod sa lebel ng pagpa-pautang na nakasaad sa batas.

Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na mangangailangan ang agricultural at agrarian reform (agri-agra) sectors ng ‘new normal loans’ para makaagapay sa nagbabagong mga pamamaraan ng pagnenegosyo ngayon at sa panahong malagpasan na ang pandemya ng COVID-19.

“Dapat mas maging bukas ang mga bangko sa pagbibigay ng mga ‘new normal loans’ para makasuporta na makasabay sa digitization, partikular sa e-marketing at e-commerce, green financing para sa environment-friendly na teknolohiya at mga produkto, gayundin sa mga vaccination program na puwedeng talakayin ng mga kooperatiba ng mga magsasaka, maging ang health at wellness tourism na maaaring maging bagong parte ng agri-agra sectors,” ani Marcos.

Nadiskubre ni Marcos na ang kabuuang pondong puwedeng utangin na ipinagkait ng mga bangko sa agri-agra sectors ay tumaas mula P460 billion noong 2017 hanggang sa mahigit P533 billion noong 2018, dahilan ng paghahain niya ng Senate Resolution 1038 sa kasunod na taon para imbestigahan hindi pagsunod ng mga bangko sa Republic Act 10000.

Natalakay na sa wakas ang resolution ni Marcos nitong Miyerkoles ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar.

Inaatasan ng Republic Act 10000 ang lahat ng mga bangko na maglaan ng 25% ng kanilang loanable na pondo sa sektor ng agri-agra at pagmumultahin ang mga ‘di susunod ng kalahating porsiyento ng na-compute na pagkukulang sa kinakailangang pautang.

“Ang pagtaas ng multa mula 0.5% hanggang 2% ay makapagpapasigla ng pagpapautang o magbibigay ng mas sapat na pagpopondo sa mga ahensiyang sumusuporta sa agri-agra,” sabi ni Marcos, na tinukoy ang Agricultural Guarantee Fund Pool at Philippine Crop Insurance Corporation, na binibigyan ng 90% ng mga nakolektang multa.

Ayon kay Marcos, karamihan sa mga bangko ay mas pinipiling bayaran ang 0.5% na penalty kaysa dagdagan ang pautang sa agri-agra, na sa simula pa lang ay dismayado nang umutang dahil sa higpit at dami ng requirements sa bank loan.

“May katapusan ang pandemyang ito. Subalit ang pag-asang muling makaahon o makarekober ay mangangailangan ng sapat na pondo,” dagdag ni Marcos. VICKY CERVALES

62 thoughts on “(Para makaagapay sa pandemya) ‘NEW NORMAL’ LOANS SA FARMERS”

  1. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything about medicine.
    https://clomiphenes.com can i get clomid pills
    drug information and news for professionals and consumers. Drugs information sheet.

  2. earch our drug database. Get information now.
    https://canadianfast.com/# cvs prescription prices without insurance
    drug information and news for professionals and consumers. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  3. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://tadalafil1st.online/# cheap cialis 40 mg
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Everything about medicine.

Comments are closed.