SA isang makasaysayang pagkakataon, sinundo ng Philippine Air Force sa kanilang Blackhawk Helicopter ang legendary tattoo artist ng Pilipinas na si Apo Whang-Od para makaharap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang.
Ayon kay Col Ma Consuelo Castillo, ang tagapagsalita ng Hukbong Himpapawid sa pamamagitan ng kanilang 205th Tactical Helicopter Wing, sinundo nila sa kabundukan si Apo Whang-Od, ang 106-anyos na Kalinga tattoo master at mula sa Buscalan, Kalinga ay dinala ito sa Palasyo ng Malakanyang.
Matapos na makipagkita kay Pangulong Marcos ay muli siyang inihatid ng air force chopper pabalik sa kanilang village.
Sa pakikipagkita kay PBBM ay ginawaran si Apo Whang-Od ng pagkilala ni Pangulong Marcos dahil sa hindi mapapantayan dedikasyon ng ethnic tattoo artist para mapanatiling buhay ang traditional Filipino tattoo culture.
“The Philippine Air Force takes pride in being part of this historical milestone of giving tribute to a legendary Filipino artist,” ani Col Castillo .
VERLIN RUIZ