(Para makalikha ng maraming trabaho) TOURISM ACTIVITIES BUKSAN

PINABUBUKSAN ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa pamahalaan ang lahat ng aktibidad na panturismo at ipinasusulong ang mas marami pang foreign direct investments sa bansa.

Ang panawagan ay bilang tugon sa jobs report nitong Pebrero kung saan 3.13 million na ang mga Pilipinong walang trabaho kumpara sa naitalang 2.93 million noong Enero.

Giit ni Salceda, kailangan nang magbukas ang lahat ng tourism activities upang makalikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Nananatili aniyang banta ang inflation para sa FDI-driven industries tulad ng business process outsourcing (BPO) at electronic sector.

Babala ng kongresista, dahil sa pagtaas ng inflation, mag-aalangan ang mga kompanya na mamuhunan kaya ang insentibo sa pag-i-invest ay bahagyang tatamlay.

Susunod, aniya, ang paglago hindi dahil may mas magandang prospect ang bansa kundi dahil sa pagluluwag ng mga alituntunin tulad ng COVID-19 restrictions sa turismo at sa foreign direct investment (FDI) rules. CONDE BATAC