ISINUSULONG ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagkakaloob ng tax exemptions sa mga frontliner at labis na napinsalang negosyo upang tulungan silang makarekober mula sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Recto, ang mga health worker at ospital ay dapat i-exempt sa corporate at personal income taxes hanggang 2021 sa ilalim ng panukalang Philippine Stimulus Package, Aid and Response to Coronavirus Act.
Sa ilalim ng panukala, ang travel, tourism at trade na hinambalos ng pandemya ay hindi dapat pagbayarin ng buwis hanggang 2022.
“There is a need to “incentivize hospitals that operate beyond capacity due to the exponential increase in COVID-19 patients,” sabi ni Recto sa explanatory note ng bill.
Itinutulak din ng bill ang pansamantalang pag-aalis ng buwis at iba pang fees sa coronavirus-related donations, at sa pagbebenta at importasyon ng gamot, equipment, at iba pang supplies para sa COVID-19.
”Interest, surcharge, and penalties on delayed payment of business taxes, real property taxes, other taxes, fees and charges should also be withheld until the end of 2020,” nakasaad pa sa panukala.
Ayon kay Recto, dapat ding mag-alok ng interest-free loans sa agri-fishery, tourism, export at import industries, at sa iba pang non-essential businesses na naapektuhan ng Luzon-wide enhanced community quarantine.
”Local governments should also be given additional funds equivalent to 1 month of their Internal Revenue Allotment (IRA),“ dagdag ng ssnador.
Comments are closed.