CAMP CRAME- NAG-UPGRADE na ng porma sa operasyon ang Philippine National Police (PNP) upang makasabay sa new normal.
Sa Monday presser ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa, inanunsyo nito na kanyang ipinag-utos ang digital law enforcement.
Aniya, natalakay sa command conference nitong weekend napag-usapan ang pagtaas ng bilang ng mga cybercrimes sa panahon ng quarantine.
Paliwanag ni Gamboa, karamihan ng mga tao ngayon ay nasa bahay lang, kaya napadadalas ang kanilang paggamit ng computer o gadget.
Dahil dito, mas lumaganap ang insidente ng cybercrimes tulad ng cyber-bullying at pagkalat ng fake news.
Sinabi ni Gamboa, kailangang makasabay ang PNP sa “trend” ng mga krimen na nagaganap sa “cyberspace” sa pamamagitan ng “digitalizaton” o pag-upgrade ng kanilang kapabilidad sa Information and Communications Technology.
“We will maximize use of information and communication technology by going digital. Digital law enforcement ensures faster exchange of information and tactical accuracy on the ground,” ayon kay Gamboa.
Sa pamamagitan aniya ng “digitalization” ay matitiyak ang mas mabilis na palitan ng impormasyon at “tactical accuracy” ng mga ground units, upang epektibong makontra ang mga cyber criminals. EUNICE C.
677723 842304As soon as I discovered this internet internet site I went on reddit to share some with the adore with them. 756871
116565 227386I like this weblog quite much, Its a rattling good billet to read and discover information . 641346