(Para makatulong sa food security) YOUTH AGRIPRENEURSHIP PALAKASIN

Risa Hontiveros

ISINUSULONG ng isang senador ang pagpapalakas sa paglahok ng mga kabataan sa agrikultura at entrepreneurship.

Sa Senate Bill 2231 o ang proposed Young Agripreneurs Act of 2021, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na ang mga kabataan sa Filipinas ay hindi na interesado sa pagsasaka na nagsisilbing banta sa food security.

“As a result, traditional farming methods are gradually fading as a practice in rural communities,” sabi ni Hontiveros sa knayang explanatory note.

Para mahikayat ang mga kabataan na pumasok sa pag-aagrikultura, binigyang-diin ng senadora na kailangang maging mas malaki ang kita rito.

Nakasaad sa panukala ang pagbuo ng pamahalaan ng Youth Agricultural Hubs na ang tungkulin ay ang magkaloob ng trainings sa mga kabataan para sa agrikultura, financial literacy, entrepreneurship at iba pang kaugnay na kurso.

Magsisilbing venue ang naturang hubs para sa research farming at ito rin ang makikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan para sa mga nararapat na programa.

Sa ilalim pa ng panukala ay regular na magsasagawa ng youth agripreneurship trade fairs ang gobyerno para maipakita ng mga kabataan ang kani-kanilang agricultural products.  LIZA SORIANO

7 thoughts on “(Para makatulong sa food security) YOUTH AGRIPRENEURSHIP PALAKASIN”

  1. 539335 71490I enjoy what you guys are generally up too. This kind of clever function and reporting! Keep up the really excellent works guys Ive added you guys to blogroll. 559723

Comments are closed.