BUBUKSAN ng San Miguel Corporation (SMC) sa publiko ang ikalawang community market sa south para makatulong sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at maliliit na negosyante na lubhang naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas at handa nang mga produkto sa merkado.
Tinawag itong Circolo weekend community market, ang sentro nito ay nasa 4,000-square meter property ng kompanya sa Cabuyao, Laguna, mismong nasa gitna ng mataas na bilang ng mga tao at isang residential at industrial na lugar na sakop din ang mga lungsod tulad ng Sta. Rosa at Calamba.
Nakatakdang buksan bago matapos ang buwan ng Hulyo, ito na ang ikalawang naisagawa ngayong taon sa mga probinsya ng Laguna at Quezon kasunod ang malapit nang buksang San Miguel Market sa SMC housing community sa bayan ng Sariaya.
“The disruptions to market and supply chains have left a lot of our farmers and SMEs unable to sell their produce and even provide for their basic needs. Through this we hope to be able to help them keep their businesses going while they provide essential services to the surrounding communities,” ayon kay SMC president Ramon S. Ang.
Bukod pa sa benepisyo nito sa ekonomiya, ang community market, na myaroon ding outdoor dining at activity areas, a nakikitang malaki ang maitutulong sa lokal na ekonomiya at makapagdudulot ng magandang samahan sa mga miyembro nito.
Simula pa lang ng pandemya, aktibo na ang SMC sa pagsasagawa ng mga programa na makagbibigay ng trabaho at kabuhayan para makatulong sa mga apektadong magsasaka at maliliit na negosyante o SMEs dulot ng mga ipinatutupad na lockdown na maibenta ang mga produkto nito, makaayon sa bagong normal at mapaghandaan ang hinaharap.
Sinabi pa ni Ang na ang mga puwesto sa circolo community market – na pamamahalaan ng property arm nito at sa pakikipagtulungan sa Lungsod ng Cabuyao sa pangunguna ni Mayor Rommel Gecolea – ay libreng ibibigay sa loob n gamin na buwan sa mga magsasaka at SMEs.
“By offering these spaces rent-free, we can help the farmers and local businesses recover, reduce their expenses, devote more resources to capital, and earn more income. We are confident that the Circolo market will be a big help to them since the area is frequented by bikers, riders, travelers, and also residents in nearby housing communities,” dagdag pa ni Ang.
Ayon pa kay Ang na ang Circolo community market ay mayroon din mga brand mula sa SMC tulad ng Chick ‘n Juicy, TJ Hotdogs, Spam, San Mig Coffee, Purefoods, Veega, Magnolia Gold Label, Kambal Pandesal at San Miguel Ethyl Alcohol.
“Aside from providing a ready market, our aim at the Circolo community market is to ensure a selling area that is safe for both vendors and consumers. This is by adhering to stringent health protocols to prevent the transmission of Covid-19 as well as food safety and hygiene standards,” saad pa ni Ang.
“By keeping our businesses running, our countrymen employed, and with health measures strictly in place for the safety of everyone, we hope to be able to help boost our economy’s recovery,” dagdag pa nito.
Nauna rito, nabuo ng SMC ang San Miguel Market, nakatakdang magbubukas sa susunod na buwan sa Sariaya, Quezon bilang bahagi ng mga planong “sustainable integrated food complex” na layong mabigyan ng trabaho ang mga residente ng San Miguel-Christian Gayeta Village. Magkakaroon din dito ng akmang lugar para maibenta ng mga residente ang kanilang mga sariwang huli at produkto at mga home-made na produkto direkta sa mga konsyumer.
Nagging maagap din ang SMC sa mga unang buwan palang ng pandemya dahil nakipagtulungan na agad ito sa Department of Agriculture (DA) para payagan ang mga magsasaka na maibenta mga produkto nito sa “Kadiwa ni Ani at Kita” stores sa mga Petron Gas Station sa Metro Manila.
Sa pakikipagtulungan ng SMC sa Rural Rising Philippines, naisagawa nito ang Better World Diliman, isang community center sa Quezon City na nagsisilbi bilang “ready-market” ng mga sobrang produkto na binili sa mga magsasaka sa tamang halaga na ibinibenta naman sa mas mababang presyo sa mga konsyumer at reseller.
Sa pamamagitan ng DA, nakabili ang SMC ng 524 milyon kilos ng mais sa mga magsasaka sa Central Luzon, Pangasinan at Camarines Sur.
168362 980294Some times its a pain inside the ass to read what weblog owners wrote but this internet internet site is rattling user friendly ! . 187332
270487 739473Thanks for your time so a lot for your impressive and amazing guide. I will not be reluctant to endorse your internet websites to any individual who need to receive direction on this issue. 517441