TIWALA ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na malalampasan ng lokal na pamahalaan ang nakaraang koleksiyon na P6.8 bilyon dahil sa mga ilang pagbabago sa reporma upang mahikayat ang mga investor na panatilihin ang kanilang mga negosyo sa lungsod sa kabila ng pandemya dulot ng COVID-19.
Ayon sa mayora, makakamtan nila ang kanilang target na koleksyon na P7.1 bilyon sa pagtatapos ng 2021 dahil ngayong unang quarter pa lamang ay nakapagtala na sila ng 99% collection efficiency rating.
“Bilang travel hub ng bansa kung saan maraming nagosyo na nakabase sa lungsod, masasabi kong ang aming revenue collections ay hindi gaanong katatag kumpara sa mga nakaraang taon bago pa man ang pandemya, kung kaya’t ang aming pinansyal na katayuan ay naapektuhan ng husto, ngunit malakas ang aming loob na malalampasan namin ang pagsubok na ito,” anito.
Ipinaliwanag pa nito, nakapagsagawa na rin ang lokal na pamahalaan ng ilang inisyatibo upang makatulong sa mga malalaki, medium o sa maliliit mang negosyo sa lungsod para maka-survive sa kasalukuyang nararanasang pandemya.
Ilan sa mga inisyatibong isinagawa ng lokal na pamahalaan upang makatulong sa mga negosyante sa lungsod ay ang hindi pagpapataw ng surcharges at interes na nakasaad sa Bayanihan Act at ang pagpapalawig sa pagbabayad ng Business at Real Property Taxes na wala ring surcharges at interes.
“Patuloy po kaming naghahanap ng pamamaraan kung papaano makatutulong sa aming mga traders upang maipagpatuloy nila ang operasyon ng kanilang mga negosyo sa lungsod sa gitna ng pandemya. Sa katunayan, ang Pasay ay mabilis na nagkakaroon ng reputasyon bilang business-friendly city,” ani Calixto-Rubiano.
Nais din ng lokal na pamahalaan na maipagpatuloy ng mga trader ang kanilang mga negosyo sa gitna ng pagsubok at bilang pagpapahalaga ay ilang beses na pinalawig ang deadline sa pagbabayad ng business at real property taxes upang makatulong sa mga ito.
Isinagawa rin ng lokal na pamahalaan ang automatikong serbisyo ng esensyal sa pamamagitan ng Online Registration and Business for Permit Application, pagkuha ng Building Permit gayundin ang pagsasagawa ng Real Property Assessment.
“Tumatanggap na rin kami ng online payment. Ang aming inisyatibong digital ay nagbibigay ng kombinyenteng pakikipagtransaksyon sa Pasay City hall na napapanahon din naman ngayon dahil sa nararanasan ngayong pandemya sa bansa,” pagtatapos ng alkalde. MARIVIC FERNANDEZ
716945 16618Some truly wonderful articles on this web site , appreciate it for contribution. 969655
764637 634092Awesome blog, Im going to spend much more time researching this subject 255635
945027 731448Hello Guru, what entice you to post an post. This write-up was extremely fascinating, particularly since I was looking for thoughts on this topic last Thursday. 330839
505449 34302The total glance of your site is magnificent, let neatly as the content! 215557