UPANG tugunan ang kakulangan sa karne ng baboy sa Metro Manila, nasa 2,000 hogs o baboy mula sa South Cotabato ang dumating sa Vitas Slaughter House sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa nasabing katayan sa Maynila ay ikakalat sa iba’t ibang pamilihan ang karne ng mga baboy.
Aniya, ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na resolbahin ang kakulangan sa pork products sa National Capital Region.
“These (hogs) will be dispatched to various markets here in Metro Manila,” ayon kay Roque.
Tiwala si Roque na sa ginawang hakbang ng pamahalaan ay mapipigilan ang pork shortage na dahilan para tumaas ang presyo nito.
“Transporting swine from Mindanao to Metro Manila is part of the government’s effort to address the shortage of pork products, which has been causing their prices to surge,” ayon kay Roque.
Paglilinaw pa ni Roque na humahanap pa rin ng iba pang alternatibo ang pamahalaan para solusyonan ang usapin sa pork products gaya ng importation.
Isinisi naman ng pamahalaan sa African swine fever ang kakapusan sa pork products at pagtaas ng presyo nito. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.