(Para mapababa ang presyo ng manok, baboy)CORN IMPORTS DAGDAGAN

MAIS-4

Ayon sa industry stakeholders, ang pagkakaroon ng karagdagang suplay ng mais, na isang primary feed component, ay makatutulong para magmura ang baboy at manok.

Paliwanag ng stakeholders, ang mas mataas na presyo ng mais ay nagpapataas sa halaga ng poultry production, kung saan ang patuka ay nagkakahalaga ng hanggang 70% ng halaga ng pag-aalaga ng manok.

“The minimum access volume (MAV) should be expanded from the current 217,000 metric tons to a level more in line with the actual deficit in the country today, which is closer to three to four million MT,” ayon kay American Chamber of Commerce agribusiness committee chairman Christopher Ilagan.

“Considering half a year has already gone, the administration may consider even a two million MT MAV so that the 5% tariff rate would apply and our local buyers can buy competitively.”

Ang corn tariffs ay ibinaba sa 5% para sa in-quota volume at 15% sa out-quota volume.

Sang-ayon naman ang Philippine Association of Feed Millers, Inc. (PAFMI) na ang pagpapalawak sa MAV ay magbibigay sa feed industry ng sapat na flexibility para magprodyus ng mga kinakailangan para sa second semester.

Noong nakaraang taon, ang corn production ay may kabuuang six million MT, kapos sa total demand na mahigit siyam na milyong MT.