(Para mapalawig ang prangkisa ng ABS-CBN) KONGRESO HINAMONG GUMAWA NG BATAS

Salvador Pa­nelo

HINAMON ng Malakanyang ang Kongreso na bumalangkas ng bagong batas para palawigin pa ang prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso sa Marso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, nagkakaroon ng magkakasalungat na opinyon ang mga mambabatas kung maaari pang ipagpatuloy o hindi na ang operasyon ng ABS-CBN kahit na mapaso na ang prangkisa nito.

Maaari aniyang magpasa ng bagong batas ang Kongreso na nagsasabing may pending na batas para sa franchise renewal.

Hindi aniya dapat na matakot ang mga mambabatas sa pagbalangkas ng bagong batas  na kahit pa i-veto ng Pangulong Duterte ay  may kapangyarihan pa rin ang Kongreso na i-override sa pamamagitan ng   pagbobotohan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “(Para mapalawig ang prangkisa ng ABS-CBN) KONGRESO HINAMONG GUMAWA NG BATAS”

Comments are closed.