(Para mapalaya ang 5 Indonesian victims) AFP CLUELESS SA P30-M DEMAND NG ASG

Cirilito Sobejana

SULU- WALANG kumpirmasyon ang  Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command  na humihingi ng P30 million ang Abu Sayyaf  Group (ASG) kapalit ng kalayaan ng limang Indonesian fishermen na bihag nila at pinaniniwalaang itinatago sa mga liblib na bahagi ng probinsiyang ito.

Sa halip, inihayag ni AFP Wesmincom spokesman Maj. Arvin Encinasm na tuloy ang search and rescue operation nila para mabawi ang limang bihag.

Una nang isiniwalat ni Yusop Jikiri, chairman ng Moro National Liberation Front breakaway group  na hihingi ng P30-M ransom ang ASG para sa limang kidnap victims.

Ayon kay WESTMINCOM chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, kanila pang bina-validate ang natanggap na impormas­yon.

Hindi ikinaila ni Sobejana na talagang layunin ng mga tero­ristang grupo ang  pagkakitaan ang kanilang mga bihag.

Sinabi pa ni Sobejana na rescue operation  at walang negotiation. VERLIN RUIZ

Comments are closed.