(Para mapanatili ang sapat na supply) PH AANGKAT NG 60K MT NA ISDA

isda

INAPRUBAHAN ni Agriculture Secretary William Dar ang pagiisyu ng Certificate of Necessity to Import (CNI) ng 60,000 metric tons (MT) na isda.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap na madagdagan ang kasalukuyang local fish production, mapanatili ang sapat na supply, at gawin itong abot-kaya sa mga consumer, partikular sa  last quarter ng taon at kaugnay sa closed fishing season.

Ang desisyon ni Dar ay alinsunod sa rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), at sa konsultasyon sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC), at  fishing industry stakeholders.

“We are doing a balancing act, wherein our primordial concern is to enhance and sustain the development of our fisheries sector, and provide our fellow citizens affordable fish on their table,” sabi ni Dar.

“Further, such a policy decision eases the pressure on food inflation, thus benefitting mostly our poor countrymen whose purchasing power has been reduced due to the economic slowdown and the Covid-19 pandemic,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon sa DA, angmga aangkating isda ay kinabibilangan ng galunggong, mackerel, at bonito na ibebenta sa public wet markets, partikular sa Metro Manila at sa mga lugar na kulang ang supply ng isda.

“Research studies show that marine fish catch has been declining through the years,” ayon pa sa ahensiya.

Para mapigilan ito, ang DA-BFAR ay nagpapatupad ng  ‘closed fishing season’ sa major fishing grounds ng bansa para magparami ng small pelagic fishes at iba pang species.

Ang closed fishing season ay ipinatutupad kada taon sa Davao Gulf – June 1-August 31; Visayan Sea – November 15 -February 15;Sulu Sea – December 1-February 28; at Northeast Palawan – November-January. Ang CNI ay valid mula September 2 hanggang December 2021.

88 thoughts on “(Para mapanatili ang sapat na supply) PH AANGKAT NG 60K MT NA ISDA”

Comments are closed.