(Para mapatatag ang presyo sa merkado) GOBYERNO MAG-IMPORT NG PORK

Stella Quimbo

HINIKAYAT ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pamahalaan na mag-angkat na rin ng karne ng baboy kasunod ng pagbaba ng taripa para sa imported pork.

Ang panawagan ng kongresista ay bunsod na rin ng Executive Order 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan itinataas ang minimum access volume (MAV) sa imported na karne ng baboy kasabay ng pagtapyas sa taripa nito.

Ayon kay Quimbo, para maging epektibo ang pagbaba ng presyo ng karne sa mga palengke sa pagbaba ng taripa ay dapat na payagan mismo ang gobyerno na mag-import ng baboy.

Paliwanag ng mambabatas, kung papayagan ang pamahalaan na mag-angkat ng baboy sa ilalim ng binawasang taripa, tiyak aniyang magkakaroon ng kompetisyon ang mga importer at mapipilitan na magbaba ng presyo.

“If government is allowed to import pork at the new reduced tariffs and sell directly to the consumers, then importers will now face competition. This is one way to ensure that reduced tariffs will translate to lower prices in the markets”, pahayag ni Quimbo.

Pinangangambahan ng kongresista na maaaring ibenta ng mga importer sa merkado ang mga karneng baboy sa mataas pa ring halaga kahit ibinaba na ang taripa dito lalo na kung nasasangkot ang mga ito sa anti-competitive practices tulad ng price fixing.

Giit ni Quimbo, kailangang kumilos na ang gobyerno na mag-import ng sariling baboy dahil ito lamang ang makapag-bibigay ng kompetisyon sa mga importer habang hinihintay ang Philippine Competition Commission (PCC) na umaksiyon sa isyu.

Umapela rin si Quimbo na bigyan ng cash assistance ang mga domestic hog raiser na apektado ng African Swine Fever (ASF) para tulungan ang mga ito sa pagpaparami ng mga baboy at para makasabay sa imported pork meat. CONDE BATAC

2 thoughts on “(Para mapatatag ang presyo sa merkado) GOBYERNO MAG-IMPORT NG PORK”

  1. 723857 18150Hello! I just now would like to supply a massive thumbs up for any great data you can have here within this post. We are coming back to your blog post for further soon. 826192

Comments are closed.