PLANO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tanggalin ang brand labels sa imported na bigas sa layuning mapigilan ang price manipulation sa grain staple.
“After conducting a series of market visits, we now have reason to believe that some retailers and traders are intentionally confusing Filipino consumers with branded imports to justify the high prices of rice,” ayon kay Tiu Laurel.
Aniya, may ilang industry players ang minamanipula ang sistema upang magtaas ng presyo at samantalahin ang Filipino consumers.
Plano rin ni Tiu Laurel na alisin ang mga label na tulad ng “premium” at “special” sa imported na bigas dahil ang labeling ay ginagamit para bigyang katuwiran ang mataas na presyo.
Gayunman, sinabi ng Agriculture chief na ang locally-produced rice ay hindi kasama sa plano upang protektahan ang Filipino farmers at traders
“Importing rice is not a right but a privilege,” ani Tiu Laurel. “if traders are unwilling to follow our regulations, we will withhold permits for rice importation.”