NAKIPAGPULONG si Masbate Governor Antonio Kho kay Jong Shaolin, Presidente ng Federation of Industries at Secretary General ng Communist Party of China in Guangdong upang pag-usapan at isulong ang international sisterhood lalawigan at Guangdong.
Si Shaolin ay kilalang malapit na kaibigan ni Kho at isa sa mga nangungunang lider ng industriya sa China.
Ang Guangdong na kinikilala bilang “factory capital of the world” ay tahanan ng 7,000 malalaking industriya sa ilalim ng Guangdong Federation of Industries.
Adhikain ng gobernador na palakasin ang mga pandaigdigang koneksyon ng Masbate lalo na sa ekonomiya ng China.
Nakipagpulong din si Kho kay Ginoong AK, ang pangunahing gumagawa ng space capsule houses at modular container houses sa nasabing bansa.
Si AK ay isa ring kilalang negosyante na nagtatag ng limang world-class tourist resorts sa China at naging kontraktor ng ₱4 bilyong mega-rehabilitation project sa Nueva Ecija na donasyon ni Huang Rulun kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Napagkasunduan ng dalawang negosyante na bumisita sa Masbate sa Marso upang pag-aralan ang mga oportunidad sa negosyo at turismo sa probinsya.
Kasama ni Kho sa nasabing pulong sina Masbate 3rd District SP Member-aspirant Ansbert Son, Architect Willie Chua at Chinese interpreter na si Frankie Gu.
RUBEN FUENTES