DALAWANG resto ang naipatayo noon ni Judy Ann Santos pero sad to say, ay hindi siya nag-click bilang negosyante.
Ito ‘yung time na dalaga pa si Juday. Pero this time ay susubukan nila ng mister na si Ryan Agoncillo na magbukas ulit ng bagong restaurant sa Makati, ang Toyo Eatery at ngayon ay magkasosyo na ang popular showbiz couple.
Kasabay ng 40th birthday celebration ni Ryan ay nagpa-food tasting siya sa Toyo Eatery nila ni Judy Ann para matikman na raw ng pamilya at close friends ang mga ihahanda nila sa naturang restaurant. Mas type raw ni Ryan ang ganun lang na celebration sa kanyang birthday.
Hindi na raw kasi bagay sa edad niya ang mga pa-birthday surprise. At mabuti na ring nakapagpa-sample na raw sila kung ano ang masarap na i-o-order sa kanilang eatery. Ito naman talaga ang type ni Judy Ann noon pa. Tatapusin lang daw muna nila ang kanilang 10th anniversary celebration at saka nila i-schedule ang grand opening nito.
STRANDED NINA ARJO AT JESSY ‘DI TOTOONG LUGI
MASYADO talagang unfair ang ibang netizen, na pinalalabas na semplang na naman sa takilya ang movie ni Jessy Mendiola na “Stranded” katambal si Arjo Atayde na dalawang beses na niyang nakasama sa pelikula.
Actually, bukod sa hindi lugi ang pelikula na umabot naman ng ilang milyon ang kita ay pinupuri ito sa ganda at kakaibang atake ni Direk Ice Adanan sa pagdirehe sa mga bidang sina Arjo at Jessy at iba pang cast ng Stranded.
Malinaw na naisalarawan sa pelikula na puwedeng magkatuluyan ang dalawang tao kapag sila ang itinadhana sa isa’t-isa at naganap nga ito sa gitna ng malakas na bagyo. Pagdating naman sa pag-arte ay parehong mahusay sina Jessy at Arjo. I’m sure, papatok ito sa KBO viewers once na ipinalabas na. (Eh, bakit balita ko nagbawas ng mga sinehan kasi nilalangaw?–ED)
ISA SA 40 DABARKADS ANG MAKAKAPAG-UWI NG BAGONG KOTSE
PALAKI ng palaki ang premyong ipinamimigay ng Eat Bulaga sa kanilang “Mag-comment Na!” Yes, isang brand new na Mitsubishi Mirage G4 GLX1.2 CVT ang puwedeng maiuwi ng isa sa 40 Dabarkads na pasok sa pakontes na ito sa Official Facebook Fanpage ng EB.
Hindi lang ang homeviewers ang kasali na mapapabilang sa 40 Dabarkads gayundin ang studio audience na matiyagang pumipila araw-araw sa APT Studio. Last Wednesday ay dalawang studio audience ang napasama rito. Napakadali lang sumali sa “Mag-comment Na,” mag-selfie sa tabi ng TV hawak ang padala ng mga Dabarkads sa takbuhan at i-comment na rin kung ilang taon na kayo! Sa post na ito ang tamang code at sagot para sa chance na makapagbukas ng Mitsubishi Mirage G4.
Comments are closed.