LUBHA nang malala ang sulilranin sa trapiko sa bansa na hindi kayang solusyunan ng isang ahensiya lamang ng pamahalaan kundi ng pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor na kinakailangang magbalangkas ng isang komprehensibo at kayang ipatupad na traffic plan.
Ito ang buod ng pahayag ni inclusive mobility champion at Angkas chief transport advocate George Royeca sa katatapos na Roads and Traffic Expo, ang kauna-unahang pagpupulong na naglalayong maging plataporma para sa pagtutulungan ng public at pivate sectors kaugnay sa problema sa trapiko.
Lumahok sa nasabing expo ang Angkas, ang kauna-unahang app-based motorcycle ride-hailing service sa bansa, upang talakayin ang mga naaangkop na solusyon para tugunan ang malalang problema sa traffic sa bansa.
Sa pag-aaral na isinagawa ng Japanese International Cooperation Agency (JICA), tinatayang umaabot sa P5.4 bilyon kada araw ang mawawala sa bansa pagsapit ng 2035 kung hindi malulutas ang problema sa trapiko.
Itinampok din sa dalawang araw na Roads and Traffic Expo ang mga nakikitang solusyon mula sa pampubliko at pribadong partners hindi lamang para sa pagsasaayos ng trapiko kundi para maayos ang kabuuang sistema sa sektor ng transportasyon.
Kasama ni Royeca sa discussion panel sa expo sina Ariel Lim, dating Presidential Assistant on Public Transport Affairs; Councilor Winnie Castelo ng ikalawang distrito ng Quezon City at dating congressman at chairman ng Congressional Committee on Metro Manila Development; Atty. Ariel Inton, traffic czar ng Quezon City at dating director ng LTFRB; at Amor Maclang, director ng Transport Watch.
Tinalakay ng panel ang best practices sa public-private partnerships upang matugunan ang problema sa sa transportasyon at ang kakulangan ng maayos na transport options sa Metro Manila.
Sa nasabing talakayan, binigyang-diin ni Royeca ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor upang matugunan ang problema sa traffic. “Hangarin namin sa Angkas na makapagbigay ng ligtas, maaasahan at abot-kayang transportasyon para sa lahat at handa kaming gawin ang lahat upang patuloy namin itong magawa at maibigay para sa publiko,” ani Royeca.
“Ang Angkas ay hindi ang nag-iisa at natatanging solusyon para sa problema sa trapiko- walang anumang ahensiya o kompanya ang makapag-bibigay ng ganyang solusyon. Subalit dahil sa ating kasalukuyang pakikipagtulungan sa DOTr, naipakita naman natin na kaya ng Angkas na makatulong para maibsan ang trapiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibo na inklusibo,” dagdag pa niya.
Pinahintulutan ng Department of Transportation (DOTr) ang 6-buwang pilot run ng Angkas sa Metro Manila at Cebu kasunod ng rekomendasyon ng Technical Working Group (TWG). Naging isang magandang halimbawa rin ang Angkas ng isang matagumpay na kooperasyon sa pagitan ng pribadong kompanya at ng ahensiya ng pamahalaan.
Lahat ng 27,000 biker-partners ay masusing sinanay para sa bagong safety protocol alinsunod sa patakaran ng DOTr TWG. Napananatili naman ng Angkas ang 99.997% safety record nito sa kabila ng mga naunang pagdududa ng ibang ahensiya ng gobyerno hinggil sa kaligtasan ng nasabing uri ng transportasyon.
“Ito ang dahilan kung bakit patuloy tayong nakikipagtulungan sa lahat ng stakeholders dahil naniniwala tayo na ang problema ng trapiko ay malulutas lamang sa maayos na pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor para sa isang komprehensibong solusyon,” dagdag pa ni Royeca.
Comments are closed.