ISINUSULONG ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpaparehistro sa lahat ng prepaid SIM cards para mapigilan ang paglaganap ng SMS spam o smishing attacks
“We know exactly what is wrong with the system. We need to require even those with prepaid cards to register. They have got to be registered. Our system is so loose that we don’t ask for the identity of the card holders,” pahayag ni BSP Gov. Benjamin Diokno sa isang forum.
Sinabi ni Diokno na inaasahan na ang cybercrimes dahil sa bilis ng digitalization na pinaigting ng COVID-19 pandemic.
Bagama’t ang paglobo sa SMS spam “ay hindi isang major risk,” sinabi ng BSP na dapat paigtingin ng supervised institutions nito ang pangangalaga sa kanilang data privacy hygiene.
Ayon sa central bank, nagtutulungan ang regulators, kasama ang mga telco, bangko at e-commerce platform para mapigilan ang pagkalat ng SMS-related phishing activities.