CAMP AGUINALDO – BILANG pagtugon sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinag bakasyon sa Hong Kong ang 88 na mga dating rebelde noong Hulyo 30 hanggang Agosto 2, 2019.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Spokesperson Lt Col Ezra Balagtey, binayaran at inasikaso lahat ng Eastern Mindanao Command at Presidential Management Staff (PMS) ang bakasyon ng 88 na mga dating rebelde sa Hong Kong.
Matatandaang una nang ipinangako ng Pangulo sa mga dating rebelde ang pamamasyal sa Hong Kong.
Ginawa ng gobyerno ang libreng pamamasyal sa Hong Kong sa mga dating rebelde para makita at maranasan nila ang pamumuhay sa modernong siyudad at magkaroon ng panibagong perspektibo sa buhay at hindi mahikayat pang bumalik sa kanilang grupo. REA SARMIENTO
Comments are closed.