DAHIL mabibigyan ng kasiguruhan na ligtas ang ipaparadang sasakyan at magagawang kontrolin ng pamahalaan ang paniningil, nagpahayag ng suporta si ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran sa isinusulong na ‘Parking Operations and Fees Regulation‘ bill.
Ayon sa partylist lawmaker, na siya ring House Asst. Majority Leader, hindi makatarungan para sa mga customer na magbayad ng parking subalit hindi naman makatiyak sa kaligtasan ng kanilang sasakyan, dahil parang humimpil lang sila sa kalsada.
“Para kang umupa ng hotel room para sa kotse mo, pero walang pananagutan ang may-ari ng parking kung may mangyari sa sasakyan mo,” sabi ni Taduran na magugunitang naging biktima ng Basag-kotse Gang habang naka-park ang kanyang sasakyan sa isang mall.
“For the currently huge fees we pay for parking, there should be enough security personnel to man the area and CCTVs for added security. Kasama ‘yan sa obligasyon ng mga nagpapaupa ng parking spaces. Hindi ka dapat kakaba-kaba sa pag-park ng sasakyan mo kung nagbabayad ka naman,” dagdag niya.
Naniniwala ang kongresista na mababawasan din ang kriminalidad sa iba’t ibang parking areas kung matitiyak na ligtas ang lugar dahil sa mga magrorondang security guard at paglalagay ng CCTV, batay sa nakasaad sa nasabing panukala na iniakda ni Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian.
Sinabi ni Taduran na sinusuportahan din niya ang probisyon sa naturang House bill na gawing pantay-pantay ang bayad sa parking.
“Sobra naman kasing makapag-charge ang mga nagpapa-park. You patronize their products and spend in their establishments, yet you still pay exorbitant parking rates,” dagdag pa niya. ROMER R. BUTUYAN
721680 800989hi and thanks regarding the specific post ive really been searching regarding this kind of info online for sum time these days hence thanks a great deal 740111
Theron hkLiJaQaqUwndJrCRxL 6 17 2022 cialis from india