(Para matiyak ang sapat na food supply) FARMING PAPASUKIN NA RIN NG MILITAR

Arnulfo Marcelo Burgos

PUNTIRYA ng militar na magkaroon ng 32 toneladang gulay at fresh meat sa loob ng walong buwan para matiyak ang food supply sa nasabing panahon.

Kaya naman ngayong umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) ay tuturuan ang mga ito na magtanim at mag-alaga ng hayop.

Ayon kay Philippine Army 2nd Infantry Division chief Maj. Gen Arnulfo Marcelo Burgos nakipag-ugnayan si Sec. Dennis Hernandez,  Presidential Adviser for Southern Tagalog, kay AFP’s Southern Luzon Commander, Lt Gen Antonio Parlade hinggil sa kung paano matutulungan ang mga residente sa katimugang Luzon.

Sinabi ni Burgos maganda ang naging tugon ng mga sundalo sa panibagong hamon sa kanila upang i-angat ang antas ng kabuhayan sa kanilang nasasakupan kaya magkatuwang ngayon ang Army 2nd Infantry Division at DV Boer International Farms Corporation na may  20 farms sa buong Region 4A.

Sinabi naman ni Hon Rex Manuel Tanjuatco,  Mayor ng Tanay na magtatagumpay ang programa ng militar. VERLIN RUIZ