(Para matiyak na walang sayad) PSYCHIATRIC TEST PARA SA MGA PULIS

SINISIMULAN nang isapinal ng Philippine National Police (PNP) Health Service ang mga rekomendasyon kaugnay sa pagsasagawa ng psychiatric at psychological examination upang masala ang hanay sa mga war freak o may sayad na pulis.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar bunsod nang sunod-sunod na insidente ng pagpatay,pamamaril at pinakahuli ang nangyari sa loob mismo ng headquarter ng Manila Police District (MPD) na ikinamatay ng dalawang pulis.

Walang habas na nagpaputok ng baril si Master Sgt. Reynante Dipasupil sa MPD headquarters noong gabi ng Biyernes, kung saan isang kapwa pulis ang namatay habang isa naman ang nasugatan.

Siniguro ni Eleazar na masusing nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente sa MPD.

Inalis din sa serbisyo ang isang pulis na pumatay ng isang 52 anyos na babae sa Quezon City noong Mayo. Habang may dalawa pang pulis ang sinibak matapos lumitaw na pinatay nila ang kanilang kabaro sa isang inuman.

Isang binatilyong may special needs ang namatay naman matapos barilin ng pulis sa operasyon kontra tupada sa Valenzuela noong nakaraang buwan.

Noong Disyembre, patay din ang mag-inang Sonia at Frank Gregorio mula Paniqui, Tarlac matapos barilin ng pulis.

“This recent incident at MPD, along with the previous ones, highlights the need for us to closely look into the overall state of our men,” ani Eleazar.

“Hindi nagtatapos sa kung paano nila ginagawa ang kanilang trabaho, kasama dito ang pagtingin sa kanilang physical, emotional at lalo na ang kanilang mental state,” dagdag nito.

Dahilan upang bumalangkas ang PNP Health Service ng sistema hinggil sa pagsasagawa ng Psychiatric-Psychological Exam (PPE) sa lahat ng mga tauhan ng PNP.

Naunang sinabi ni Eleazar na ikinokonsi­dera nilang gawin tuwing ikatlong taon ang Psychiatric-Psychological Exam (PPE) bilang bahagi ng pagpapabuti sa kapakanan ng mga pulis lalo na iyong mga sumasabak sa ground operations. VERLIN RUIZ

36 thoughts on “(Para matiyak na walang sayad) PSYCHIATRIC TEST PARA SA MGA PULIS”

  1. 158097 407759Hmm is anyone else having troubles with the images on this blog loading? Im trying to figure out if its a difficulty on my finish or if its the weblog. Any responses would be greatly appreciated. 599593

Comments are closed.