KINATIGAN ng House Committee on Information and Communications Technology at House Committee on Health ang House Resolution (HR) No. 1536, na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco, na naglalayong magkaroon ng ‘unified national contact tracing protocol o app’ sa bansa upang higit na maging epektibo ang health emergency data monitoring system na pamahalaan.
Kasabay nito, iginiit ni Tarlac 2nd Dist. Rep. Victor Yap, chairman ng House Committee on Information and Communications Technology, na mas makabubuti na ipamahala sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng naturang sistema o pagsasagawa ng contact tracing habang nakasuporta naman dito ang Department of Health (DOH).
“Well, we have a system, its just not pushed much and apparently locked in usual bureaucratic delays. I believe after a year’s time of improvement, staysafe.ph should be used by local governments in their need to open up people and establishments,” bungad ng House panel chairman.
“I think it’s DILG that should adopt this while data like real time epidemiology needed by DOH can also still be provided. We need this now as we try to also reopen our economy slowly with the rest of the world,” dagdag pa niya kung saan ang DILG umano ang siya ring may kapasidad mula regional hanggang barangay levels para matunton ang person’s under investigation (PUIs), person’s under monitoring (PUMs) at iba.
Ani Yap, sa pagkakaroon ng unified national contact tracing system, gamit ang digital tracer o makabagong teknolohiya, madaling mababantayan ang bawat lokalidad at maisasagawa ang tamang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng kinatatakutang virus sa halip na magpatupad ng malawakang quarantine lockdown na may mabigat na epekto sa paghahanapbuhay ng maraming tao at sa ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang HR 1536, binigyan-diin ni Speaker Velasco na sa pamamagitan ng unified national contact tracing protocol system ay magkaroon ng isang government agency na siyang magiging centralized repository ng mga impormasyon na pupuwedeng ma-access ang real-time data ng iba’t-ibang accredited contact tracing app providers para sa mas mabilis na health emergency response.
Ayon sa lider ng Kamara, sa ilalim ng IATF Resolution No. 85, itinatalaga ang StaySafe.PH platform bilang official COVID-19 management and monitoring app para government offices at LGUs subalit may ilang sektor kabilang ang tourism industry, ang gumagamit ng magkaibang contact tracing apps dahilan para malimitahan ang kilos ng pamahalaan sa pagtunton sa mga taong maaaring positibo sa nasabing sakit o nagkaroon ng exposure sa isang pasyente.
“Data shows that the Philippines is only able to identify at least seven contacts per coronavirus-infected person when the ideal contact tracing ratio should be 1:37 for urban areas. There is a need for the modification of existing systems and the development of new user-friendly data interfaces to manage multiple data streams with seamless interoperability,” sabi pa ni Velasco kung kaya isinusulong niya ang kanyang HR 1536.
Sa isinagawang joint-hearing ng dalawang nabanggit na komite kahapon, kapwa nagpahayag ng pagsuporta ang DOH at Department of Information and Communications (DICT) sa HR 1536 at tiniyak ang kanilang kooperasyon sa pag-aasam na sa lalong madaling panahon ay maipatupad ito. ROMER R. BUTUYAN
581450 556774Interesting point of view. Im curious to feel what type of impact this would have globally? Sometimes individuals get just a little upset with global expansion. Ill be around soon to look at your response. 76202
889605 511455Cool text dude, maintain up the great function, just shared this with the mates 155891