(Para mga pamilyang biktima ng bagyong Rolly) P15-M CASH, RELIEF GOOD DONATIONS NALIKOM SA PAGPADYAK NG ‘WARAYNONS’

bikers

UMABOT sa P15 milyong halaga ng pera at iba’t ibang relief items ang nalikom ng mahigit sa 2,000 bicycle riders na nakiisa sa tinaguriang ‘Yolanda Commemorative Ride’, na isa ring fundraising event na naglalayong makapagpaabot ng tulong para sa libo-libong pamilya na sinalanta ng bagyong Rolly kamakailan.

Sa ilalim ng temang SIKAD: Urusa nga Pagpitad para ha Pag-uswag o Sama-samang Paghakbang para sa Pag-unlad, ang nasabing okasyon ay inorganisa ng tanggapan nina House Majority Leader Martin Romualdez (1st. Dist. Leyte), Tingog partylist Rep.Yedda Marie Romualdez at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, sa pakikiisa ng government agencies na pinangunahan ng Office of Civil

Defense (OCD), Tacloban City SK Federation, Region 8 Bicycle Advocacy Community, private groups, organizations at advocacy groups at iba pang indibidwal bilang panggunita na rin sa ika-7 taong pananalasa ni Super Typhoon Yolanda.

Labis-labis ang pasasalamat ng mag-asawang Romualdez sa mga sumali at nagbigay ng kanilang donasyon para maging matagumpay ang fundraising drvie na ginanap sa Tacloban City Astrodome kahapon.

“Waraynons find joy in helping others and today is another celebration of kindness, gratitude and the resiliency of Filipinos. We want to share our blessings and to pay it forward to our fellow Filipinos. We know exactly what the evacuees in Bicol are going through now,” pahayag ng House Majority Leader.

“Despite the numerous challenges we face in our everyday lives, we always remain resilient to stay in the game. We do not allow difficulties to break us, that is the key behind our recovery,” pagbibigay-diin ng Leyte province congressman.

Sinabi naman ni Tingog partylist Rep. Romualdez na ang pagkakaisang ipinakita ng mga rider at donor sa nasabing commemorative  event ay siya ring naging susi sa mabilis na pag-ahon ng Waraynons mula sa delibyong idinulot ng tinagurian sa kasaysayan bilang pinakamalakas na bagyong tumama sa kalupaan, pitong taon na ang nakararaan.

“It is through our solidarity as a region and as a community that we are able to look back into this day with strength and hope. Together we rise as people with resiliency and fortitude that we have gained from this experience,” ayon pa sa lady partylist solon.

Samantala, agad namang isasagawa ng mag-asawang Romualdez ang pag-turn over sa mga nakalap nilang donasyon para sa mga sinalanta ni ‘Rolly’ sa pamamagitan ng kaukulang koordinasyon sa OCD at iba pang local government units sa Bicol region.  ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.