(Para muling magamit) KRUDONG NAKUHA SA MT TERRA NOVA ISASALANG SA TREATMENT FACILITY

NAILIPAT na sa treatment facility sa Marilao, Bulacan ang mahigit 1.2 million litro ng industrial fuel na narekober mula sa lumubog na MTKR Terranova.

Kasunod ito ng ipinadala ng kinontrata na salvor ship ng 400,200 litro ng oil waste mula sa Terranova kahapon.

Unang ipinag-utos ng Philippine Coast Guard (PCG) na suspendihin noong Lunes ang siphoning operation sa Limay, Bataan para maiwasan ang posibleng pagtagas ng langis dahil sa malakas na alon at ulan dala ng bagyong Enteng.

Sinigurado ng Harbour Star na nasa ayos ang lahat ng mga siphoning lines at containment equipment.

Samantalang isinara ang lahat ng mainit na gripo na ikinabit sa motor tanker.

EUNICE CELARIO